“Hindi mo naman kailangan magpaganda para mapansin ka, dahil kahit sa SIMPLENG ayos mo lang may isang lalaki ang gagawin ang lahat mapansin mo lang sya.”—Pinaybadgirl

Minsan iniisip ko kung ano ang pakiramdam ng may boyfriend. Yung mahal ka ng lalaking minamahal mo bukod sa kaibigan at pamilya. Madalas dumadalaw sa bahay para makita at makasama ka. Makakatabi sa pagtulog pero wala ng iba pang mangyayari, may respeto at alam ang limitasyon niyo sa relasyon. Yung kaya kang protektahan at suportahan. Tanggap ng pamilya niya at ganun din naman sayo. Yung alam niyo na hindi na kayo hahanap pa ng ibang mamahalin. Nakasisiguro na yung relasyon ay panghabambuhay. Yung relasyon na hindi lang para sa relationship status sa Facebook o para lang maipagyabang na may boyfriend/girlfriend. Yung lalaking kahit magkaiba kayo ng hilig pero nagkakasundo pa din sa mga bagay bagay. May tiwala sa isa’t isa at hindi nawawala ang pagmamahal kahit magkalayo ng kinaroroonan. At higit sa lahat, mahal niya ang Diyos at handa kang pakasalan kapag dumating na ang tamang panahon.